Paglalarawan ng Qur’an sa Sugo ng Allah na si Muhammad

admin 20 / 09 / 2026 4 mga tanaw
Paglalarawan ng Qur’an sa Sugo ng Allah na si Muhammad

Ang Qur’an ay naglahad ng kahanga-hangang aspeto ng pagkatao ng Propeta (s) at ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga nakapaligid sa kanya, kung saan ang kanyang pag-uugali, katangian at pakikipagkapwa ay ipinahayag na ang lahat ay kahanga-hanga:

Siya ay habag sa lahat ng sangkatauhan (Q:21:107), at hindi lamang para sa mga Muslim. At taglay niya ang pinakamahusay na pag-uugali (68:4). Siya ay masigasig na ginagabayan ang mga tao sa katotohanan, at nararamdaman niya ang labis na pamimighati sa kanilang pagkaligaw, hanggang sa binigyang diin ng Qur’an ng paulit-ulit na ang kanyang misyon lamang ay ang pagpa-anyaya sa Islam at paghatid ng mensahe ng Diyos sa kanila, at tunay na tanging ang Diyos lamang ang tuluyang gagawad ng patnubay (Q:11:12), (Q:6: 107) (Q:18: 110).

Inuunawa niya ang mga kadahilanan ng kapwa, at mapagpaumanhin siya sa kanilang mga pagkakamali (Q:9:43). Patuloy niyang hinihiling na patawarin ng Diyos ang kanyang mga kaaway hanggang sa ipinahayag sa kanya na tigilan na ang pag-gawa nito (Q:9:80).

Siya ay namimighati sa pagdurusa ng mga mananampalataya, at siya ay napakabait sa kanila at napaka-mahabagin sa kanila (Q:9:128). May mga pagkakataon na siya ay nagagambala sa matagal na pananatili ng ilang tao sa kanyang bahay ngunit ang kanyang pagkamahiyain ay pumipigil sa kanya na banggitin ito sa kanila (Q:33:53).

Siya ay may taglay na kagandahang loob, malambot na puso , nakikitungo ng labis na kahinahunan sa kanyang mga kasamahan, kumukunsulta sa kanilang mga opinyon kahit na sa pinakamahirap na kalagayan (Q:3: 159).

Mga tag Muhammad