Ang Qur’an ay ang banal na aklat ng Islam, at pinaniniwalaan ng mga Muslim na ito ay may mga sumusunod na katangian:
Ito ay Salita ng Diyos, kung saan ay ipinahayag Niya sa Kanyang Mensahero na si Muhammad (s) bilang gabay at liwanag ng sangkatauhan.
Ito ang panghuling Banal na aklat na inihayag. Ito ay banal na prinoprotektahan laban sa mga pagbabago at kurapsyon.
Ang pagbabasa o pagbigkas nito ay kinokonsiderang uri ng pagsamba, gaya din sa pagsasaulo at pagpapatupad ng mga batas nito.
Ang Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (s) sa pamamagitan ni Anghel Gabriel (as) ng siya ay dumating na sa edad na 40. Ang unang berso na inihayag ay, “Bumasa sa pangalan ng iyong Panginoon na Tagapaglikha” (96:1) Ito ay inihayag ng paisaisa na nag dedepende sa mga pangyayari kung kinakailangan.
Ang Qur’an ay binubuo ng 114 na bahagi o kabanata (suwar, surah sa pang-isahan), na sinasakop ang malawak na usapin na kung saan ibat-iba ang paggagamitan, depende kung saan aakma. Ang mga muslim ay sumasangayon na ito ay isinasalarawan sa kagandahan o sa husay ng pananalita sa pagpapahayag at ito ay nakatuon sa paggabay sa mga tao upang sumamba sa Panginoon lamang.