Ang pangunahing tema ng Qur’an ay kasama ang mga sumusunod

admin 21 / 09 / 2026 47 mga tanaw
Ang pangunahing tema ng Qur’an ay kasama ang mga sumusunod

1. Pagpapatunay at pagtatatag sa kaisahan ng Panginoon at pagpapatunay at paglilinaw sa mga maling pag-aakala, ng iba na sumasamba sa iba maliban sa Kanya (Allah).

2. Nagbibigay ng salaysay sa mga Propeta sa nagdaang mga nasyon.

3. Nag-iimbeta sa mga tao na magmunimuni sa napakalawak na sanlibutan at napakaraming mga nilalang sa ating kapaligiran na tumatawag sa atensyon sa ating Panginoon at sa kanyang walang hangganang mga biyaya.

4. Pagpapaliwanag sa mga batas pang relihiyon at pagdedetalye sa mga pinahintulutang mga Gawain.

5. Pagpapakita sa mga katangian at magagandang kaugalian, pagiging matapat, pagbibigay babala laban sa mga masasamang kaugalian.

6. Pagtalakay ukol sa Araw ng Paghuhukom at sa pabuya para sa mabubuti at kaparusahan sa mga masasama.

7. Pagbibigay linaw at pagtuturo sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa mga pangyayari na naganap kay Muhammad (s) at sa kanyang mga kasamahan. Ito ay pangkalahatang ideya sa ilan sa mga kakaibang katangian ng banal na Qur’an

Mga tag Qur’an