Pagkatapos ng buhay na ito, bubuhayin ni Allah ang lahat ng tao at tutuusin ang bawat isa nang ganap na makatarungan ayon sa kanyang pinaniwalaan at ginawa. Nagsabi si Allah: ﴿Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,﴾ ﴿at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.﴾ Pagkatapos, ang hantungan ay Paraiso o Impiyerno. Walang kabutihang ginawa mo ang mawawala, at walang pang-aaping maiiwan nang hindi napapanagot… Sa katarungan ni Allah, matatagpuan ng kaluluwa ang sagot sa mga bagay na hindi nito natagpuan sa mundong ito.