Ang Quran ay ang banal na aklat na binibigkas ng mga Muslim at kanilang pinagbabalikan para sa patnubay sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. Ang mga talata nito ay nanatiling buo at hindi nabago mula nang ito ay unang ipinahayag ng Diyos noong ika-7 siglo. Ipinaliliwanag ng polyetong ito ang banal na pinagmulan ng Quran sa pamamagitan ng pagtalakay sa pangangalaga nito, pagiging tunay, at mga himala. Tinutukoy rin nito ang mensahe ng Quran na may pandaigdigang kabuluhan at nananatiling mahalaga sa lahat ng panahon.
Ang Quran ang huling kapahayagan sa isang serye ng mga banal na rebelasyon mula sa Diyos (Allah sa wikang Arabe). Binubuo ito ng tuwiran at hindi nabagong mga salita ng Diyos, na ipinahayag sa pamamagitan ng Anghel Gabriel kay Muhammad ﷺ, ang huling propeta ng Islam, mahigit 1400 taon na ang nakalipas.