Sa mabilis at maingay na mundo, ipinapakita ng Islam ang isang naiibang pananaw tungkol sa lakas. Ang lakas dito ay hindi nangangahulugang pagkontrol o pagdaig sa iba, kundi ang paninindigan sa mga halaga. Ang katapatan, katarungan, at awa ay hindi kahinaan, kundi pundasyon ng panloob na katatagan. Hinahikayat ng Islam ang tao na maging matatag nang hindi marahas, maging determinado nang hindi makatarungan, at maging mahinahon nang hindi nawawala ang dangal. Kapag namumuhay ang tao nang may malinaw na moralidad, mararamdaman niya ang balanse sa loob, dahil hindi na niya kailangan magpanggap o labagin ang sarili. Dito, ang mabuting asal ay nagiging lakas , kung saan kasama ng tao sa araw araw na aspeto ng buhay.