
Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay Allāh; hanggang sa nang dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan ay nagsabi sila: “O panghihinayang namin dahil sa nagpabaya kami kaugnay rito,” habang sila ay nagdadala ng mga pasanin nila sa mga likod nila. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila! Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang paglalaro at isang paglilibang; ngunit talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?