
Ang “kahandaang magpatawad at hindi magparusa” ay karaniwang kahulugan ng salitang awa, ngunit ano nga ba ang awa sa Islam? Sa Islam, ang awa ay binigyan ng mas malalim na kahulugan na naging mahalagang bahagi ng buhay ng bawat Muslim, kung saan siya ay ginagantimpalaan ng Diyos kapag ipinakita niya ito.