Ang Baka 257

admin 07 / 10 / 2025 4 views
Ang Baka 257

Si Allāh ay Katangkilik ng mga sumampalataya; nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang nagpapakadiyos; nagpapalabas ito sa kanila mula sa liwanag tungo sa mga kadiliman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili.

whatsapp icon