
Sinabi ng Allah: “At hindi kita isinugo maliban bilang isang awa para sa mga nilalang.” (Al-Anbiya: 107). Ang awa ni Propeta Muhammad ﷺ ay hindi lamang para sa kanyang mga kababayan kundi para sa lahat ng tao, pati na rin sa mga hayop. Sinabi niya: “Maawa kayo sa mga narito sa lupa at maawa sa inyo ang nasa langit.” (At-Tirmidhi)