Si Allah ay Ganap na Mayaman at hindi nangangailangan ng anuman mula sa Kanyang mga nilikha. Walang naidaragdag sa Kanya ang pagsunod ng tao, at wala ring nababawas sa Kanya ang kanilang pagsuway. Ang tunay na nangangailangan ng pagsamba ay ang tao, sapagkat ito ang nagbibigay ng kapayapaan sa puso, nag-uugnay sa kanya sa kanyang … Continue reading “Kailangan ba ni Allah ang ating pagsamba?”
magbasa paSapagkat ang napakaayos na sansinukob na ito ay hindi maaaring umiral nang walang Maylikha. At dahil ang puso ng tao ay hindi tumitigil sa paghahanap ng tunay na kahulugan ng buhay. Ang pananampalataya kay Allah ay hindi pagtakas sa realidad, kundi mas malalim na pag-unawa rito at sagot sa mga tanong na dala ng bawat … Continue reading “Bakit tayo naniniwala kay Allah?”
magbasa paMay mga pagkakataong nakakaramdam ang tao ng matinding pag-iisa, at iniisip na walang nakauunawa sa laman ng kanyang puso. Ngunit itinuturo ng Islam na dinirinig ni Allah ang bawat panalangin, nalalaman Niya ang bawat bulong, at nakikita Niya ang bawat luha. Hindi mo kailangan ng tagapamagitan upang makipag-usap sa Kanya, sapagkat Siya ay malapit sa … Continue reading “Malayob a ang Allah sa tao?”
magbasa paMaaaring magkakaiba ang pananaw ng mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Islam ay nagbibigay ng malinaw at simpleng pagpapakilala kay Allah. Siya ang Lumikha ng lahat ng bagay at Siya ang namamahala sa buong sansinukob nang may ganap na karunungan at awa. Hindi Siya bahagi ng mundong ito; Siya ang Maylikha nito. Siya ay … Continue reading “Sino ang Allah?”
magbasa paInaanyayahan ka ng Islam na magsaliksik at mag-isip, hindi na maniwala nang walang katibayan. Pag-aralan mo ang mensahe ng Propeta Muhammad ﷺ, pagnilayan ang Qur’an, at hanapin mismo ang mga katibayan.
magbasa paDahil sa awa ng Allah sa sangkatauhan, hindi Niya sila iniwan nang walang patnubay. Kaya’t nagsugo Siya ng mga Sugo upang ipaliwanag sa mga tao ang landas ng katotohanan at sagutin ang pinakamahahalagang tanong sa buhay.
magbasa paAng Qur’an ay Salita ng Allah na ipinahayag bilang gabay para sa sangkatauhan. Sa pamamagitan nito ay nakikilala natin ang Allah, natututuhan ang pananampalataya, at nauunawaan ang layunin ng ating buhay.
magbasa paAng Tawhid ay ang paniniwala na ang Allah lamang ang Tagapaglikha, Tagapagkaloob ng kabuhayan, at Tagapangasiwa ng lahat ng bagay, at Siya lamang ang karapat-dapat sambahin.
magbasa paAng mga patunay ng katotohanan ng Islam ay hindi nakasalalay sa iisang argumento o iisang ebidensya. Ito ay isang paglalakbay ng pagbabasa, pagninilay, at paghahanap. At marahil, ang tunay na simula ay hindi ang pagkakaroon ng sagot, kundi ang pagkakaroon ng lakas ng loob upang hanapin ito.
magbasa paSapagkat hindi nagbabago ang pinakamalalalim na tanong ng sangkatauhan: Saan tayo nagmula? Bakit tayo nabubuhay? At saan tayo patutungo pagkatapos ng kamatayan? Kaya naman natatagpuan ng maraming tao sa Qur’an ang mga sagot sa mga tanong na matagal nang nasa kanilang puso.
magbasa paKapag nararamdaman ng tao ang pangangailangan sa isang Maylikha na nakaririnig, nakakakita, at nagmamalasakit sa kanya, nagbibigay ang Islam ng malinaw at simpleng sagot. Isang sagot na madalas ay umaabot muna sa puso bago sa isip.
magbasa paKapag ang pananampalataya ay nagiging dahilan upang ang isang tao ay maging mas tapat, mas mahabagin, at mas mapayapa sa kalooban, ang pagbabagong iyon ay nararapat pagnilayan. Sapagkat ang mga tunay na paniniwala ay nag-iiwan ng tunay na bakas sa buhay ng tao.
magbasa pa