Si Allah ang Lumikha ng lahat ng bagay. Wala Siyang katambal sa Kanyang paghahari, at walang sinuman sa Kanyang mga nilikha ang katulad Niya. Hindi Siya ipinanganak at hindi rin Siya nagkaanak. Wala Siyang pangangailangan sa sinuman, samantalang ang lahat ng nilikha ay nangangailangan sa Kanya. Siya lamang ang karapat-dapat sambahin, sapagkat Siya ang Tagapagkaloob ng lahat ng biyaya, ang Maylikha, at ang Tagapangasiwa ng buong sansinukob.