Katapatan at Katatagan

admin 20 / 09 / 2026 1 mga tanaw
Katapatan at Katatagan

Ang katapatan at katatagan ay kabilang sa pinakamamahal at pinakamarangal na mga aspeto ng mabuting pag-uugali, na minamahal kung gagawin upang suklian ang kabutihan ng walang kasamang anumang umiiral na kasunduan sa pagitan ng dalawang partido. Sa katunayan ito ay kinaugalian ng Sugo ng Allah (saw), na magbalik ng kabutihan ng higit pang kabutihan, kahit na walang anumang umiiral na mga kasunduan, lalo na kung mayroong anumang katulad na mabigat na mga pangako.

• Nang mag imbistiga tungkol sa mga katangian ni Propeta Muhammad (s), si Heraclius, ang Romanong Emperador sa Silangan, siya ay nagtanong sa mga pagano ng Quraysh, “Nagtaksil ba siya sa sinuman?” “Hindi,” ang kanilang sagot. “Gayundin ang mga Sugo ng Allah ay hindi kailanman nagtaksil sa sinuman” (AlBukhari: 7).

• Ginawa niya ang pinakamataas na antas ng katapatan at debosyon sa kanyang unang asawa na si Khadija (ra). Kinikilala niya ang kanyang katayuan, pinahahalagahan ang dakilang tungkulin na kanyang ginampanan sa kanyang 138 buhay at ang mga serbisyong ibinigay niya sa pananampalataya ng mga Muslim, at laging masigasig na pinararangalan ang kanyang mga kababaihang kamag-anak at kaibigan.

• Si A’ishah (ra) isa sa kanyang mga maybahay, ay minsang binanggit ang isang pangyayari na nagpapatunay sa kanyang katapatan kay Khadijah (ra) na namatay sa panahon na nagsisimula pa lamang ang kanyang tungkulin at hindi alam ni A’ishah (ra). Kanyang sinabi, “Hindi ako nakakaramdam ng selos sa sinumang maybahay ng Propeta (s) na tulad ng pagseselos ko kay Khadijah (ra) kahit na hindi ko ito nakita. Madalas siyang binabanggit nito, at sa tuwing siya ay magkakatay ng isang tupa, ay puputul-putulin niya ito sa ilang bahagi at ipadadala ang mga ito sa kanyang mga babaeng kaibigan.

Nang minsang sinabi ko sa kanya, “Pinakitunguhan mo si Khadijah sa isang paraan na parang walang ibang babae sa mundo maliban sa kanya, kanyang sasabihin, “Si Khadijah ay ganito at ganyan, at magsisimulang iisaisahin ang kanyang maraming mabubuting katangian” (Al-Bukhari: 3607)

• Si Negus, ang Hari ng Abyssinia na nagbigay ng kanlungan sa mga Muslim ng nagsisimula pa lamang ang Islam, ay minsang nagpadala ng isang delegasyon kay Propeta Muhammad (s). Sa pagdating ng mga kasapi nito, siya ay bumangon upang siya mismo ang maglingkod sa mga ito. Sinabi sa kanya ng kanyang mga tagasunod, “Kami na ang maglilingkod sa kanila.” Siya ay nagpumilit, “Mainit nilang tinanggap ang aking mga tagasunod at pinakitunguhan sila ng mabuti,” siya ay nagpumilit, “at nais kong ibalik ang kanilang kabutihan” (Shu’ab Al Eeman: 8704). Naipakita ni Propeta Muhammad (s) ang pinakamahusay na mga halimbawa ng mabuting pag-uugali sa lahat ng larangan ng buhay, alinsunod sa ipinag-utos ng Allah, at pagsunod sa mga mararangal na mga naunang Propeta.

Ang masjid ng Propeta (saw), na kanyang itinayo sa Madinah, isang banal na lungsod na pumapangalawa lamang sa Makkah. Si Propeta Muhammad (saw) ay lumipat at itinayo ang kanyang masjid dito, at sa kalaunan siya ay inilibing doon. Ang masjid ng Propeta ay binibisita ng milyon-milyong mga Muslim kada taon.

Mga tag Islam