Nagsisimula ang pagkilala kay Allah sa pagmamasid sa kahanga-hangang sansinukob, sa pagninilay tungkol sa ating sarili, at sa pagbabasa ng Kanyang kapahayagang ipinadala upang gabayan ang sangkatauhan. Habang higit na nakikilala ng tao ang kanyang Panginoon, lalo ring napupuno ng kapayapaan ang kanyang puso at nagiging mas malinaw ang layunin ng kanyang buhay.
magbasa paHindi inilalarawan ng Islam si Allah bilang pinagmumulan lamang ng kaparusahan. Sa halip, ipinakikilala Siya bilang ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin, at ang Ganap na Makatarungan at Marunong. Pinagpapala Niya ng Kanyang awa ang sinumang taos-pusong nagbabalik sa Kanya, humahatol Siya nang may ganap na katarungan, at hindi Niya inaapi ang sinuman.
magbasa paMaaaring hindi makita ng mga tao ang iyong sakit, ngunit walang anumang nalilihim kay Allah. Alam Niya ang nasa iyong puso, dinirinig Niya ang bawat panalangin, at nauunawaan Niya maging ang mga damdaming hindi kayang ipahayag ng mga salita. Ang kaalamang ito ang nagbibigay sa mananampalataya ng kapayapaang hindi kayang ibigay ng mundong ito.
magbasa paHindi tayo nilikha ni Allah nang walang layunin, at hindi Niya tayo pinabayaan na mamuhay nang walang direksiyon. Nilikha Niya tayo upang makilala Siya, sambahin Siya, at magpalaganap ng kabutihan at katarungan sa mundo. Kapag naunawaan ng tao ang dahilan ng kanyang pag-iral, nagkakaroon ng tunay na halaga ang kanyang buhay at nagiging makahulugan ang … Continue reading “Bakit tayo nilikha ni Allah?”
magbasa paIsa sa pinakadakilang katangian ni Allah sa Islam ay ang Kanyang awa. Binubuksan Niya ang pintuan ng pagsisisi para sa sinumang taos-pusong nagbabalik sa Kanya, at pinatatawad Niya ang mga humihingi ng kapatawaran nang may katapatan. Ang Kanyang awa ay hindi para lamang sa isang pangkat ng tao, kundi isang bukas na paanyaya sa lahat … Continue reading “Mahal ba ni Allah ang mga tao?”
magbasa paSi Allah ay Ganap na Mayaman at hindi nangangailangan ng anuman mula sa Kanyang mga nilikha. Walang naidaragdag sa Kanya ang pagsunod ng tao, at wala ring nababawas sa Kanya ang kanilang pagsuway. Ang tunay na nangangailangan ng pagsamba ay ang tao, sapagkat ito ang nagbibigay ng kapayapaan sa puso, nag-uugnay sa kanya sa kanyang … Continue reading “Kailangan ba ni Allah ang ating pagsamba?”
magbasa paSapagkat ang napakaayos na sansinukob na ito ay hindi maaaring umiral nang walang Maylikha. At dahil ang puso ng tao ay hindi tumitigil sa paghahanap ng tunay na kahulugan ng buhay. Ang pananampalataya kay Allah ay hindi pagtakas sa realidad, kundi mas malalim na pag-unawa rito at sagot sa mga tanong na dala ng bawat … Continue reading “Bakit tayo naniniwala kay Allah?”
magbasa paMay mga pagkakataong nakakaramdam ang tao ng matinding pag-iisa, at iniisip na walang nakauunawa sa laman ng kanyang puso. Ngunit itinuturo ng Islam na dinirinig ni Allah ang bawat panalangin, nalalaman Niya ang bawat bulong, at nakikita Niya ang bawat luha. Hindi mo kailangan ng tagapamagitan upang makipag-usap sa Kanya, sapagkat Siya ay malapit sa … Continue reading “Malayob a ang Allah sa tao?”
magbasa paMaaaring magkakaiba ang pananaw ng mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Islam ay nagbibigay ng malinaw at simpleng pagpapakilala kay Allah. Siya ang Lumikha ng lahat ng bagay at Siya ang namamahala sa buong sansinukob nang may ganap na karunungan at awa. Hindi Siya bahagi ng mundong ito; Siya ang Maylikha nito. Siya ay … Continue reading “Sino ang Allah?”
magbasa paat sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo.Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng [katotohanan na] kayo ay bumibigkas [niyon].
magbasa pana mga sumampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa pag-aalaala kay Allāh. Pansinin, sa pag-aalaala kay Allāh napapanatag ang mga puso.”
magbasa paKaya nagpalagay ba kayo na lumikha lamang Kami sa inyo nang walang-kabuluhan, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin [para tuusin]?Kaya napakataas si Allāh, ang Hari, ang Totoo; walang Diyos kundi Siya, ang Panginoon ng tronong marangal.
magbasa pa