Nagnanais si Allāh na magpagaan sa inyo. Nilikha ang tao na mahina [sa kalikasan nito at kaasalan nito].
magbasa paKaya tunay na kasama sa hirap ay ginhawa. Tunay na kasama sa hirap ay ginhawa. Kaya kapag nakatapos ka [sa gawain] ay magpakapagal ka [sa pagsamba], at sa Panginoon mo ay magmithi ka.
magbasa paTalaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.
magbasa paTumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, huwag kayong maghidwaan para maduwag kayo at maalis ang lakas ninyo, at magtiis kayo. Tunay na si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis.
magbasa paAng sinumang gumawa ng maayos ay para sa sarili niya; at ang sinumang gumawa ng masagwa ay laban sa sarili. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo [para gantihan].
magbasa paAlamin ninyo na ang buhay na pangmundo ay isang laro, isang paglilibang, isang gayak, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo, at isang pagpaparamihan sa mga yaman at mga anak lamang, gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpagalak sa mga tagapagtanim ang halaman nito, pagkatapos nalalanta ito kaya nakikita mo ito na naninilaw, pagkatapos ito ay nagiging … Continue reading “Al-Hadīd 20”
magbasa paSiya ay ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa trono. Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, anumang bumababa mula sa langit, at anumang pumapanik doon. [Sa pamamagitan ng kaalaman Niya] Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh sa … Continue reading “Al-Hadīd 4”
magbasa paInaanyayahan ka ng Islam na magsaliksik at mag-isip, hindi na maniwala nang walang katibayan. Pag-aralan mo ang mensahe ng Propeta Muhammad ﷺ, pagnilayan ang Qur’an, at hanapin mismo ang mga katibayan.
magbasa paDahil sa awa ng Allah sa sangkatauhan, hindi Niya sila iniwan nang walang patnubay. Kaya’t nagsugo Siya ng mga Sugo upang ipaliwanag sa mga tao ang landas ng katotohanan at sagutin ang pinakamahahalagang tanong sa buhay.
magbasa paAng Qur’an ay Salita ng Allah na ipinahayag bilang gabay para sa sangkatauhan. Sa pamamagitan nito ay nakikilala natin ang Allah, natututuhan ang pananampalataya, at nauunawaan ang layunin ng ating buhay.
magbasa paAng Tawhid ay ang paniniwala na ang Allah lamang ang Tagapaglikha, Tagapagkaloob ng kabuhayan, at Tagapangasiwa ng lahat ng bagay, at Siya lamang ang karapat-dapat sambahin.
magbasa paAng mga patunay ng katotohanan ng Islam ay hindi nakasalalay sa iisang argumento o iisang ebidensya. Ito ay isang paglalakbay ng pagbabasa, pagninilay, at paghahanap. At marahil, ang tunay na simula ay hindi ang pagkakaroon ng sagot, kundi ang pagkakaroon ng lakas ng loob upang hanapin ito.
magbasa pa